Tatlong miyembro ng Katutubong Grupong Teduray mula sa Bayan ng Datu Blah Sinsuat sa Maguindanao del Norte ang nasawi habang 31 iba pa ang na-ospital matapos umanong ma-food poison dahil sa kinaing karne ng pawikan.
Ayon kay Datu Blah Sinsuat Councilor Datu Mohamad Sinsuat Jr., ginagamot pa rin sa lokal na ospital ang mahigit 30 miyembro ng Teduray Tribe.
Ang mga biktima na pawang residente ng Barangay Linao, ay nakaranas ng pananakit ng tiyan habang ilan ang nagsuka, matapos pagsaluhan ang nilutong karne ng pawikan na nahuli ng mga mangingisda.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng food poisoning. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera