dzme1530.ph

3 persons of interest sa pagdukot sa American vlogger, patay sa engkwentro sa Zamboanga Sibugay

Tatlong indibidwal na iniuugnay sa pagdukot sa American vlogger na si Elliot Eastman ang nasawi sa engkwentro sa bayan ng Kabasalan, Zamboanga Sibugay.

Kinilala ang mga suspek na sina Mursid Ahod, Abdul Sahibad, at Fahad Sahibad.

Ayon sa Police Regional Office 9 (PRO-9), lumitaw sa imbestigasyon na si Ahod at ang magkapatid na Sahibad ang nagkanlong at tumulong sa iba pang suspects at persons of interest na sangkot sa pagdukot kay Eastman, upang maitago ang mga ito sa mga awtoridad.

Nagsagawa ng operasyon ang pinagsanib na pwersa ng pulisya at militar sa Barangay Canacan, na nagresulta sa sagupaan laban sa 10 armadong kalalakihan.

Batay sa impormasyon mula sa militar, ang tatlong napaslang na mga suspek ay sangkot sa iba’t ibang kasong kriminal, kabilang ang kidnap-for-ransom. —ulat mula kay Allen Ibañez, sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author