dzme1530.ph

July 27, 2025, idineklarang special non-working day ng Pangulo para sa anibersaryo ng Iglesia ni Cristo

Idineklarang special non-working day ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa buong bansa ang july 27, 2025, para sa anibersaryo ng Iglesia ni Cristo.

Sa proclamation no. 729, nakasaad na ito ay upang mabigyan ng buong oportunidad ang mga miyembro ng i-n-c na makiisa sa okasyon.

Ang july 27 ay papatak sa araw ng linggo.

Ang proklamasyon ay inilabas kasabay ng pagdiriwang ng ika-animnapu’t siyam na kaarawan ni i-n-c executive minister eduardo manalo.

Sa susunod na taon ay ipagdiriwang ng iglesia ang kanilang ika-isandaan at labing-isang anibersaryo. —ulat mula kay Harley Valbuena

About The Author