dzme1530.ph

26 katao, patay sa pananalasa ng bagyong Kristine sa Bicol Region

Pumalo na sa 26 ang napaulat na nasawi sa Bicol Region dahil pa rin sa pananalasa ng bagyong Kristine, ayon sa Philippine National Police.

Ayon kay PNP-PRO 5 Regional Dir. Brig. Gen. Andre Dizon, nagmula sa Naga City, Catanduanes, Albay, Camarines Norte, Camarines Sur at Sorsogon ang mga naitalang biktima ng bagyo.

Tatlong idibidwal ang patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad habang 9 ang naiulat na nasugatan.

Sa ngayon, bineberepika pa ng Office of Civil Defense ang mga na-monitor na casualties ng PRO-5. —sa panulat ni Allen Ibañez

About The Author