dzme1530.ph

Biyahe ng 10 provincial bus patungong Bicol mula PITX, kinansela dulot ng sama ng panahon

Umabot na sa 10 biyahe ng provincial Bus mula PITX at patungo ng Bicol Region ang kinansela dahil sa epekto ng sama ng panahon dulot ng bagyong Kristine.

Sa abisong inilabas ng PITX kanselado na ang biyahe ng alas 5:00 ng hapon patungong Tabaco dahil hindi na umano madadaanan ang mga pangunahing kalsada dahil sa tubig-baha.

Ganun din ang biyahe na naka schedule ng alas 6:15 ng hapon patungong Gubat, Sorsogon ay kanselado na rin dahil pa rin sa baha.

Kanselado na rin ang biyahe sa Iriga na naka-schedule ng alas 8:00 ng gabi.

Kanselado din ang biyahe ng Virac Catanduanes at patawid ng dagat sa Tabaco port dahil pa rin sa sama ng panahon dulot ng bagyo. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author