dzme1530.ph

Tony Yang, sinampahan ng 16 na criminal complaints ng NBI

Sinampahan ng labing anim na criminal complaints ng National Bureau of Investigation (NBI) si Yang Jianxin, kapatid ni dating Presidential Economic Adviser Michael Yang, ayon sa Inter-Agency Council Against Trafficking.

Si Yang Jianxin, na may mga alyas na Antonio Lim, Tony Lim, at Tony Yang, ay nahaharap sa mga reklamong Falsification, Perjury, at Violation of Commonwealth Act no. 142 o Anti-Alias Law.

Ang nakatatandang kapatid ng dating opisyal ng Duterte administration ay kinasuhan ng NBI Region 10 sa Cagayan De Oro City Prosecutor’s Office.

Nasakote si Tony Yang noong Sept. 17 ng mga opisyal ng Bureau of Immigration at humarap ito sa mga pagdinig ng Senado at Kamara kaugnay ng Human Trafficking at Illegal Philippine Offshore Gaming Operators. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author