dzme1530.ph

ARAL Act na magtatatag ng ‘National Learning Recovery Program’, nilagdaan ng Pangulo

Isa nang ganap na batas ang Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Act na magtatatag ng learning recovery program para sa mga mag-aaral.

Sa seremonya sa Malacañang ngayong Biyernes, nilagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Republic Act no. 12028, na isang priority legislation ng Legislative-Executive Development Advisory Council.

Sa ilalim nito, itatatag ang libreng National Learning Intervention Program para sa catch up o para makahabol ang mga mag-aaral sa standards ng mga kaukulang grade levels.

Pangungunahan ito ng mga guro, para-teachers, pre-service teachers, at mga kumukuha ng teacher degree program mula sa teacher education institutions.

Partikular nitong tututukan ang Reading at Mathematics para sa Grades 1 to 10, Science sa Grades 3-10, at Pagbabasa at Pagbibilang para sa Kindergarten.

Isasagawa rin ang Tutorial sessions sa tatlong flexible delivery modes, ang face-to-face, online, at blended learning approach. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author