dzme1530.ph

Harry Roque, nananatili lang sa Mindanao ayon sa PNP

Kinumpirma ng Philippine National Police na nasa bansa pa rin si dating Presidential Spokesman Atty. Harry Roque.

Sa pulong balitaan, sinabi ni PNP Spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo, batay sa impormasyong natanggap niya mula kay PNP-CIDG Chief, Brig. Gen. Nicolas Torre III, namataan si Atty. Roque sa dalawang lugar sa Mindanao.

Maliban sa Mindanao, namataan din si Atty. Roque sa Region 3 o Central Luzon at CALABARZON, kamakailan.

Malaki umano ang posibilidad na may mga nagkakanlong sa abogado na tiga –Davao, gayung tuwing huhulihin ito ng pulisya, agad itong nakakalipat ng lugar.

Dahil dito, hinimok ng Pambansang Pulisya ang mga ito, na i-turn over na si Roque sa mga otoridad kasabay ng paalalang posibleng maharap sa kasong obstruction of justice ang mahuling tinutulungan ang abogadong magtago sa batas.

Matatandaan, may arrest order mula sa House Quad Committee si Roque matapos hindi sumipot sa pagdinig at bigong magsumite ng mga kaukulang dokumento na may kaugnayan sa ilegal na POGO. —ulat mula kay Allen Ibañez, DZME News

About The Author