dzme1530.ph

PBBM at VP Leni Robredo, nagkamayan sa inagurasyon ng Sorsogon Sports Arena

Nagkamayan ang dating mahigpit na magkalaban sa pulitika na sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Leni Robredo.

Ito ay sa inagurasyon ng Sorsogon Sports Arena sa Sorsogon City ngayong Huwebes, kasabay din ng pagdiriwang ng Kasanggayahan Festival.

Bukod kay Robredo, nakipagkamay din ang Pangulo kay former Sen. Bam Aquino.

Kasama rin sa seremonya sina Senate President Francis Escudero, at senatorial candidates na sina Camille Villar, Tito Sotto, Lito Lapid, at Francis Tolentino.

Samantala, sa ngayon ay sinasaksihan ng Pangulo ang programa sa Sorsogon Arena sa harap ng libu-libong katao. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author