dzme1530.ph

UAE, binigyan ng pardon ang 143 Pilipino

Binigyan ng pardon ng United Arab Emirates ang 143 Pilipino.

Ito ay kasunod ng pakikipag-usap sa telepono ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay UAE President Sheikh Mohamed bin Zayed.

Ipinaabot ng Pangulo ang pagkagalak para sa iginawad na pardon sa mga Pinoy, na nagdala ng kapanatagan ng loob sa kanilang mga pamilya.

Samantala, nagpasalamat din si Marcos para sa humanitarian aid ng UAE sa Pilipinas kaugnay ng mga nagdaang bagyo at pagbaha.

Umaasa ang Pangulo sa pagpapalakas pa ng ugnayan ng dalawang bansa sa mga susunod na taon. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author