dzme1530.ph

Opisyal ng PNP na isinangkot sa pagpaslang kay Tanauan Mayor Antonio Halili, itinanggi ang kaugnayan sa krimen

Pinabulaanan ng police officer na isinangkot ni dating PCSO General Manager Royina Garma sa pagpaslang kay Tanauan, Batangas Mayor Antonio Halili ang kaugnayan nito sa krimen.

Sinabi ni Police Lt. Col. Kenneth Paul Albotra na walang katotohanan ang alegasyon ni Garma at naaawa siya sa dating opisyal dahil “confused” o naguguluhan ito sa mga nangyayari sa buhay nito.

Si Halili ay binaril ng sniper sa kalagitnaan ng flag ceremony sa Tanauan City Hall noong 2018.

Naibalik ang atensyon sa pagpaslang kay Halili matapos isiwalat ni Garma sa House Quad Committee na ipinagmalaki sa kanya ni Albotra na bahagi ito ng team na umano’y nagpatumba sa alkalde. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author