dzme1530.ph

Daan-daang drum ng smuggled na langis mula sa Malaysia, nakumpiska sa Palawan

Daan-daang drum ng langis na umano’y ipinuslit sa bansa mula sa Kudat, Malaysia, ang nakumpiska ng PNP Maritime Group sa Palawan.

Nasamsam sa operasyon ng Anti-Smuggling Unit ng PNP Maritime Group, ang petroleum products matapos inspeksyunin ang motorbanca, 300 metro ang layo mula sa Ursula Island sa Barangay Rio Tuba, sa Bataraza.

Inaresto ng mga awtoridad ang kapitan at 10 tripulante ng bangka, na pawang taga-Balabac.

Mahaharap ang mga ito sa kasong iligal na pagbebenta ng langis at paglabag sa Tax Reform Act of 1997.

Kabilang sa mga kinumpiska ay diesel na umano’y ipinuslit para ibenta sa iba’t ibang gasolinahan sa Palawan. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author