dzme1530.ph

FPRRD, tatakbong muli bilang alkalde ng Davao City

Nagpasya si dating Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbong muli bilang alkalde ng Davao City.

Ito ang kinumpirma ni Duterte, kasabay ng pagsasabing posible siyang tumakbo kasama ng ang anak na si incumbent Mayor Sebastian Duterte.

Sa gitna ng mga panawagan na tumakbo itong Senador sa 2025 midterm elections, sinabi ni Duterte na hindi na ito maaaring tumakbong muli sa national position, dahil sa kanyang edad.

Nauna nang sinabi ng kanyang anak na si Vice President Sara Duterte na tatakbo sa pagkasenador ang nakatatandang Duterte kasama sina Sebastian at Davao City Rep. Paolo Duterte. —sa panulat ni Judea Bernardo

About The Author