dzme1530.ph

Ex-Senator Leila de Lima, naghain na ng kandidatura; kakatawan sa Mamamayang Liberal Partylist

Kakatawan sa isang Partido si dating senator Leila de Lima na magre-representa sa marginal sectors.

Alas 11:30 ng umaga ng dumating sa Manila Hotel The Tent City si de Lima kasama ng kanyang kapwa nominado sa ilalim ng ML o Mamamayang Liberal Partylist at inihain ang Certificate of Nomination and Certificate of Acceptance of Nomination (CON-CAN).

Sinabi ng dating Senador na lalabanan ng ML ang social justice sa marginal sector, buhay at pamilya dahil sa mga bogus at online gambling na hinayaaang nagkalat dahil sa pagkukuntiyabahan ng liderato.

Ayon pa kay de Lima, ang ML ay laban din ng mga sundalo na nagpapakahirap bantayan ang teritoryo ng bansa.

Giit ni de Lima na hindi sila susuko at aatras at magiging tapat ang kanilang hanay sa mga Pilipino at ipapaglalaban ang isang gobyerno na pagkakatiwalaan ng ating kababayan. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

About The Author