dzme1530.ph

Imbestigasyon ng ICC sa war on drugs, hindi demolition job sa Duterte family at mga kaalyado nito —Kabataan partylist

Inalmahan ng Kabataan partylist ang naging pahayag ni reelectionist Senator Ronald Dela Rosa, na ang ginagawang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) ay grand demolition job laban sa Duterte family at kaalyado nito.

Ayon sa Kabataan, “napakalaking sampal sa mga biktima ng EJK at giyera kontra droga ni Rodrigo Duterte ang pahayag na ito ni Dela Rosa.

Hindi umano ito paninira sa halip paniningil ito ng hustisya sa lahat ng pinatay ng madugong programa.

Ayon kay Renee Co, 122 kabataan na edad isa hanggang labing pito ang pinatay ng tambalang Duterte at Dela Rosa.

Tahasan nitong sinabi na walang sino man kay Duterte at Dela Rosa ang magsasalba sa kinabukasan ng kabataan, dahil sa sila pa ang nagpapalaganap ng kriminalidad. —sa panulat ni Ed Sarto

About The Author