dzme1530.ph

Pagkakasangkot ng dating PNP chief sa POGO ops, nagpapakita ng kahinaan ng ilang law enforcers sa POGO money

Sinegundahan ni Senate Committee on Women Chairperson Risa Hontiveros ang naunang pahayag ni Sen. Joel Villanueva na maituturing na national security concern ang intelligence report na may isang dating hepe ng Pambansang Pulisya na sangkot at bahagi ng payola ng mga POGO.

Ito ay kaugnay ng binahagi ni PAGCOR Senior Vice President at Ret. Gen. Raul Villanueva na may impormasyon sa intelligence community kaugnay sa pagkakasangkot sa POGO ng dating Chief PNP.

Ayon kay Hontiveros, kung totoo mang may dating Chief PNP na nasa payroll ng POGO, ipinapakita lang nito ang pagiging bulberable ng law enforcers sa POGO money.

Hindi aniya katanggap-tanggap ang posibilidad na ang isang dating mataas na opisyal ng gobyerno, na may mandatong protektahan ang kapayapaan ng lipunan, ay nagiging instrumento pa para lumaganap ang mga krimen ng mga POGO. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author