Nagtalaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng apat na bagong associate justice sa Court of Appeals.
Inanunsyo ng Presidential Communications Office ang appointment nina CA Justices Ferdinand Baylon, Emilio Legaspi III, Marietta Brawner-Cualing, at Mary Josephine Lazaro.
Nakapanumpa na rin sila sa puwesto sa harap ni Chief Justice Alexander Gesmundo.
Ayon sa Supreme Court Public Information Office, ang apat ay nagsilbi munang Regional Trial Court Judges bago ma-promote sa CA. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News