dzme1530.ph

Harry Roque, dapat komprontahin ang POGO rep. na tumukoy sa kanya bilang legal head ng kumpanya

Dapat komprontahin ni dating Presidential Spokesperson, Atty. Harry Roque ang authorized representative ng sinalakay na POGO firm sa pampanga, sa pagtukoy sa kanya bilang legal head ng organizational chart ng kumpanya.

Pahayag ito ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro Tengco, sa gitna ng pagtanggi ni Roque na nagsilbi siyang legal counsel ng Lucky South 99.

Inihayag ni Tengco na nang mag-apply muli ng lisensya ang POGO firm, ay nakasaad sa isinumite nilang organizational chart ang pangalan ni Roque bilang pinuno ng kanilang legal team.

Si Cassandra Li Ong ang authorized representative ng Lucky South 99 na sinamahan ni Roque nang makipag-meeting kay Tengco noong July 26, 2023, upang hilingin na bigyan ang POGO firm ng pagkakataon na mabayaran ang kanilang arrears ng anim na  buwan na nagkakahalaga  ng 500,000 US dollars.

Sa kabila naman ng pagtukoy sa dating presidential spokesman sa Senate hearing kahapon, nilinaw ni Tengco na hindi siya brinaso ni Roque para bigyan ng lisensya ang kontrobersyal na POGO company.

About The Author