dzme1530.ph

Mayor Alice Guo at pitong iba pa, pinaaresto na ng Senado

Ipaaaresto na ng Senado si suspended Bamban Tarlac Mayor Alice Guo o si Gua Hua Ping kasama ang pitong iba pa.

Ito ay dahil sa pang-iisnab nila sa subpoena na ipinadala ng Senado para dumalo sa pagdinig ngayong araw na ito.

Bukod kay Alice Guo, inaprubahan ni Committee chairperson Risa Hontiveros na i-cite in contempt sina Nancy Gamo, Dennis Cunanan, Wen Yi Lin, Seime Guo, Jian Zhong Guo, Duaren Wu at Chona Alejandre.

Sinabi ni Hontiveros na iisyuhan nila ng warrant of arrest laban sa walong personalidad na inaasahan nilang agad na pipirmahan ni Senate President Francis “Chiz” Escudero.

Pinaiisyuhan naman ng subpoena ang ilan pang personalidad kabilang ang incorporators ng Lucky South 99 at mga opisyal ng iba pang korporasyon na nasasangkot sa operasyon ng POGO hub sa Bamban, Tarlac.

Kinilala ang mga ito na sina:

  1. Jaimielyn S. Cruz
  2. Roderick Paul B. Pujante
  3. Juan Miguel Alpas
  4. Katherine Cassandra Ong
  5. Alberto Rodulfo “Ar” De La Serna
  6. Jonathan Mendoza
  7. Ronelyn B. Baterna
  8. Michael Bryce B. Mascarenas
  9. Stephanie B. Mascarenas
  10. Rodrigo A. Banda
  11. Jing Gu
  12. Xiang Tan
  13. Daniel Salcedo, Jr.
  14. Chona A. Alejandre
  15. Duanren Wu

Sa pagdinig, nagkakaisa ang mga senador na hindi katanggap-tangggap ang excuse ni Mayor Guo kaugnay sa kanyang mental illness lalo na kung walang doktor na magsesertipika nito.

About The Author