Ligtas na nakauwi ng Pilipinas ang ikalawang batch ng Filipino seafarers ng MV Transworld Navigator sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.
Ang mga dumating ay binubuo ng 10 Filipino seafarers na kabilang sa 27 mga Pinoy seafarer na sakay ng barkong inatake ng mga rebeldeng Houthi habang naglalayag sa Red Sea nitong nakaraang buwan.
Ang mga tripolanteng Pinoy ay sakay ng Cathay Pacific flight CX-903 na lumapag kagabi sa NAIA T3.
Personal na sinalubong ng mga kinatawang ng Department of Migrant Workers – Overseas Workers Welfare Administration at iba pang ahensiya ng pamahalaan ang mga naturang Pinoy seafarers.
Magugunitang nitong linggo lamang, naka-uwi na rin sa bansa ang 5 Pilipinong tripolante ng naturang barko at tumanggap ng kaukulang tulong mula sa pamahalaan.