dzme1530.ph

Diwa ng Eid al-Adha, dapat isabuhay ayon kay VP Sara Duterte

“Isabuhay ang sakripisyo, pasasalamat at kababaang-loob.” -ito ang mensahe ni Vice President Sara Duterte bilang pakikisa at pagbati sa pagdiriwang Eid al-Adha o Feast of Sacrifice ngayong araw.

Nanawagan si VP Sara na ipalaganap ang diwa ng pagdiriwang lalo na sa mga nangangailangan ng kabutihang-loob, kawang-gawa at malasakit.

Humiling naman ang Pangalawang Pangulo na ipagdasal ang bansa upang maging matatag, mapayapa at ligtas sa lahat ng trahedya.

About The Author