dzme1530.ph

Pagkakasama ng Pilipinas sa worst countries for workers, tinawag na hindi makatuwiran ng Labor Chief

Pinalagan ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma ang pagkakasama ng Pilipinas sa listahan ng International Trade Union Confederation (ITUC) sa Top 10 worst countries for workers.

Tinawag ito ni Laguesma na unreasonable o hindi makatuwiran, at hindi aniya nagre-reflect sa aktuwal na sitwasyon sa bansa.

Bilang tugon sa 2024 global rights index ng ITUC, sinabi ng kalihim na nakalulungkot at hindi katanggap-tanggap ang ipinagkaloob na rating na five sa Pilipinas.

Kinuwestiyon din ni Laguesma ang iniulat na kakulangan sa access sa karapatan ng mga manggagawa bunsod ng kawalan ng aksyon sa mga kaso.

About The Author