Asahan ng mga biyahero ang mas murang pasahe sa eroplano para sa Holy Week break sa susunod na buwan bunsod ng pagbaba ng Civil Aeronautics Board (CAB) ng fuel surcharge level sa Abril.
Sa advisory, inanunsyo ng CAB na ang passenger at cargo fuel surcharge para sa domestic at international flights ay inadjust sa level 6 mula sa kasalukuyang level 7 para sa April 1 to 30, 2023.
Sa ilalim ng level 6, ang pasahero ay sisingilin ng P185 hanggang P665 na fuel surcharge para sa domestic flights at P610.37 hanggang P4,538.40 para sa international flights, depende sa layo ng biyahe.
Ang fuel surcharge ay optional fee, bukod sa base fare, na ipinapasa ng airlines sa mga pasahero upang mabawi ang gastos sa paiba-ibang presyo ng jet fuel.