dzme1530.ph

10 patay sa rumagasang baha sa Southeast Turkey

Tinaya sa 10 katao ang nasawi nang rumagasa ang flash flood sa mga tent at container housing na itinayo sa Southeast Turkey na kamakailan ay niyanig ng Magnitude 7.8 na lindol.

Nakaranas ang rehiyon ng malakas at walang tigil na buhos ng ulan noong Martes na nagresulta ng pagbaha at nagpalubog sa mga sasakyan sa mga kalye.

Sa report ng Turkish Media, siyam ang nasawi sa Sanliurfa at isa sa Adiyaman.

Tatlo naman ang nawawala sa Adiyaman habang dalawa sa Sanliurfa.

About The Author