dzme1530.ph

Davao City, nagmistulang warzone nang subukang isilbi ng PNP ang arrest warrant kay Pastor Quiboloy

Inilarawan ni Senador Imee Marcos na nagmistulang warzone ang Davao City nung araw na tinangka ng Philippine National Police (PNP) na isilbi ang warrant of arrest laban kay Pastor Apollo Quiboloy.

Sinabi ni Marcos na nagkataon na nasa Davao City siya noong araw na nagsagawa ng operasyon ng PNP kaya nakita nito ang pangyayari.

Ayon kay Marcos, nangilabot siya sa nakitang puwersa ng PNP na kinabibilangan ng mga tauhan ng CIDG, SWAT, SAF Battalion, tatlong PNP helicopter, drone at mga sniper sa tuktok ng bahay.

Inihayag ng senadora na talagang natakot siya at tingin nito ay sobra ang puwersang ipinakita ng PNP na hindi naman kailangan.

Nanawagan si Marcos sa mga awtoridad na huwag idaan sa pananakot at karahasan ang pagpapatupad ng kautusan ng korte.

Dapat din anyang pag-usapan ng mga abogado ng Pastor ang kanilang mga hakbang dahil sa pagsasagawa ng operasyon nang walang search warrant.

About The Author