dzme1530.ph

PBBM, dadalo sa grandiyosong Independence Day Parade at Musikalayaan Concert

Idaraos ang grandiyosong Independence Day Parade sa Quirino Grandstand sa Maynila, bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng ika-126 na Araw ng Kalayaan.

Alas-5 ng hapon inaasahang darating si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa venue upang personal na panuorin ang grandiyosong parada, kung saan itatampok ang makukulay na floats mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa, at sa iba’t ibang kagawaran at tanggapan.

Susundan ito ng Musikalayaan Concert tampok ang iba’t ibang Filipino artists.

Kabilang sa mga magtatanghal ay ang folksinger na si Florante, at P-Pop girl group na Bini.

Kasama rin ang Bagitos, Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa ROTC Silent Drillers, Douglas Nierras Powerdance, Manila Skate Dance, Sinulog sa Carmen Cultural Troupe at Mindanao State University Darangan Cultural Dance Troupe, MC Leandro, Desylyn Enano, Garrett Bolden, at Molly Langley.

About The Author