dzme1530.ph

Asawa ni Sen. Koko Pimentel na si Anna Kathryna Yu-Pimentel, itinalagang special envoy to UAE

Itinalaga ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Ma. Anna Kathryna Yu-Pimentel bilang special envoy for trade and investment to the United Arab Emirates.

Pinangunahan mismo ng pangulo ang oath taking ni Pimentel sa Malacañang, at kasama niya ang kanyang mister na si Senate Minority Leader Koko Pimentel at iba pang miyembro ng pamilya.

Sinabi naman ng bagong special envoy to UAE na ikinagagalak niya ang tiwala at kumpiyansang ibinigay sa kanya ng pangulo.

Kasabay nito’y ibinahagi ni pimentel na magiging misyon niya ang pagpapalakas ng investment at trade relations sa UAE.

Kaagad naman itong nag-report sa trabaho at dumalo sa courtesy call sa palasyo ni UAE Foreign Affairs Minister Sheikh Abdullah Bin Zayed Al Nahyan.

About The Author