dzme1530.ph

Panukalang pag-amyenda sa RTL, paplantsahin ng Senado at Kamara ngayong session break

Isasapinal ng Senado at Kamara ang panukalang pag-amyenda sa Rice Tarrification Law (RTL) makaraang ilutang ng Department of Finance ang ideya ng pagbabawas ng taripa sa rice importation.

Sinabi ni Senate Committee on Agriculture and Food Chairperson Cynthia Villar, bago para sa kanila ang planong ito dahil nakapag-usap na sila ng mga kongresista hinggil sa pag-amyenda ng RTL.

Kinumpirma ng senador na napagkasunduan na nilang mga mambabatas na ibibigay na sa Department of Agriculture ang special power sa pag-aangkat at pagbenta ng bigas at hindi na sa National Food Authority at hindi kasama rito ang pagbabawas ng tariff rates sa bigas.

Kung ibababa aniya ang rice tariff ay mababawasan ang Rice Competitiveness Enhancement Fund na pantulong sa mga magsasaka.

Nakausap na rin anya ng Kongreso ang Office of the President at napagkaisahan na sa Agosto ay ipapasa ang amyenda sa RTL.

Pero dahil sa planong babaan ang taripa sa bigas ay mag-uusap muna ang Senado at Kamara kasama si Finance Secretary Ralph Recto bago muling isalang sa pagdinig ang pagamyenda sa RTL.

About The Author