dzme1530.ph

BRP Teresa Magbanua, binuntutan ng tatlong Chinese Vessels sa Escoda Shoal

Binuntutan ng isang Chinese Coast Guard vessel at dalawang Chinese Maritime Militia Ships ang BRP Teresa Magbanua sa Escoda o Sabina Shoal, ayon sa latest monitoring ng SeaLight security think tank.

Sinabi ni SeaLight Director Ray Powell, lumapit pa ang Chinese vessels sa BRP Teresa Magbanua nitong mga nakalipas na araw.

Aniya, tila interesado ang mga barko ng Tsina sa ginagawa ng Philippine vessel at sinusubukan itong sindakin.

Idineploy ng Philippine Coast Guard ang BRP Teresa Magbanua upang bantayan ang umano’y pagtatayo ng China ng artificial islands sa West Philippine Sea sa pamamagitan ng pagtatapon ng mga dinurog na corals.

About The Author