dzme1530.ph

 Mga magulang ni Mayor Guo, wala na sa bansa, ayon sa isang senador

Kinumpirma ni Senate Committee on Ways and Means Chairman Sherwin Gatchalian na wala na sa Pilipinas ang mga magulang ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Sinabi ni Gatchalian na batay sa pagtatanong nila sa Bureau of Immigration lumitaw na bumalik na sa China sina Angelito Guo at ang pinaniniwalaang ina ng alkalde na si Lin Wen Yi.

Ito ay sa gitna ng pag-amin ng senador na malabo nang kumasa sa kanyang hamon na sumailalim sa DNA testing kasama si Lin Wen Yi upang patunayan kung ito ay kanyang ina o hindi.

Muling binigyang-diin ni Gatchalian na mahalagang ma-establish ang citizenship ng alkalde dahil humahawak ito ng mahalagang posisyon sa gobyerno.

Ipinaliwanag din ng senador na napalawak ang imbestigasyon kaugnay sa niraid na POGO hub sa Bamban, Tarlac dahil kinaikailangang matukoy kung sino ang ‘enabler’ o taong naging tulay para sa operasyon ng POGO.

Malinaw din kay Gatchalian na hindi ordinaryong sindikato ang nasa likod ng POGO hub dahil sa laki ng kapital at lawak ng operasyon nito.

About The Author