dzme1530.ph

Accreditation sa bagong Motorcycle Taxis, makakabuti sa transport sector

Welcome kay Senador Grace Poe ang pagpasok ng mga bagong accredited players sa motorcycle taxis.

Katunayan, umaasa pa ang senadora na mas lalawak pa ang industriya ng motorcycle taxis sa bansa.

Una nang inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang apat na dagdag Transport Network Vehicle Service (TNVS) na may walong libong accredited riders sa Regions 3 at 4.

Sinabi ni Poe na ang pagkakaroon ng healthy competition ay palaging makabubuti para sa riding public.

Tapos na rin aniya ang LTFRB sa kanilang pag-aaral sa motorcycle taxis, malinaw na ang mga motorcycle taxis ay epektibong alternative mode of transportation basta’t nasusunod ang safety measures sa daan at sa mga pasahero nito.

Ang ginawa ring pag-aaral ay nagbibigay ng supporting data para sa pagpapalawak pa ng industriya hindi lang sa iilang players kundi para sa mas malawak pa na operasyon sa bansa.

Idinagdag pa ni Poe na ito ang dahilan kaya itinutulak nila sa Senado ang legalisasyon ng mga motorcycle taxis dahil kapag mas maraming kompetisyon ay mas may access ang mga commuters sa mabilis, abot-kaya at maginhawang transport options lalo’t napakatindi ng traffic ngayon.

About The Author