dzme1530.ph

Halaga ng pinsalang iniwan ng bagyong Aghon, sumampa na sa mahigit P50 million

Pumalo sa mahigit P57.5 million, ang halaga ng pinsalang naidulot sa sektor ng agrikultura, ng bagyong Aghon sa bansa, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Nabibilang dito ang 1,995 metric tons ng palay, mais at ilang high value crops, 165 na mga alagang hayop pang agrikultura sa mga rehiyon ng CALABARZON at MIMAROPA.

Umabot ng P965,000 ang pinsalang natamo sa rehiyon lamang ng CALABARZON.

Dahil dito, naglaan ang DA ng P23 million na halaga bilang tulong sa 1000 magsasakang naapektuhan ng bagyong Aghon.

About The Author