dzme1530.ph

PBBM, walang kinalaman sa pagpapalit ng liderato sa Senado

Hands off si Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagpapalit ng liderato sa Senado.

Sa media interview sa Brunei, inihayag ng pangulo na hindi kanya kundi desisyon ng senado ang pagpapatalsik kay Sen. Migz Zubiri bilang Senate President.

Sinabi pa ni Marcos na naka-out of town siya noong panahong nagkaroon ng rigodon sa senado.

Sa kabila nito, inamin ng pangulo na alam niya na may mga hakbang para patalsikin si Zubiri, at kinausap din siya mismo ni Senador Chiz Escudero hinggil sa plano nitong sumubok na maging senate leader.

Samantala, hindi naman tiyak ng pangulo kung ano ang pinatutungkulan ni Zubiri sa pagsasabi nito na napatalsik siya sa pwesto dahil sa pagtangging sumunod sa utos mula sa mga nasa kapangyarihan.

About The Author