dzme1530.ph

National Flag Day: Iwagayway ang watawat ng may dangal –Romualdez

Hinikayat ni House Speaker Ferdinand “Martin” Romualdez ang mga Pilipino na matapang na iwagayway ang watawat ng Pilipinas sa harap ng nararanasang bullying at pananakot ng China.

Sa pagdiriwang ng National Flag Day, sinabi ni Romualdez na walang sinomang Pilipino ang magpapatinag sa mga hamon mula sa “outside forces.”

Ang watawat ay simbolo umano ng soberanya at pagkakaisa kaya kahit na may hamon ay kailangan itong ibandera at iwagayway ng may dangal.

Nanawagan din ito sa taong bayan na buhayin ang pagmamahal sa bayan at ituro sa mga kabataan ang kahalagahan ng pag-ibig sa bansa at watawat.

Dagdag pa nito, sumasalamin din ang watawat ng Pilipinas sa kasaysayan, paghihirap at tagumpay ng mga Pilipinong lumaban sa ngalan ng kalayaan at soberanya.

About The Author