dzme1530.ph

SP Escudero, walang planong sumabak sa mas mataas na posisyon

Wala nang plano si Senate President Francis “Chiz” Escudero na tumakbo sa mas mataas na posisyon sa gobyerno.

Ito ay kasunod ng pagpapahiwatig ng ilan niyang kaibigan na maaari na siyang sumabak sa mas mataas na posisyon matapos ang pagkakaluklok sa kanya bilang Senate President.

Iginiit ni Escudero na wala siyang ambisyon para sa mas mataas na posisyon sa gobyerno lalo na’t minsan na siyang natalo nang kumandidato bilang Bise Presidente.

Sa ngayon anya itinuturing niya ang kanyang sarili bilang administrative head ng Senado kaya panay ang kanyang inspeksyon sa bawat tanggapan upang alamin at bisitahin ang kanilang sitwasyon.

Kanina ay muling naglibot sa gusali si Escudero at tinungo ang Senate Archive at ilan pang opisina.

Naniniwala ang senate leader na kapag maayos ang tanggapan, magiging maayos din ang serbisyo.

Iginiit pa niya na hindi lang ang mga senador ang kanyang pinamumunuan kung hindi bawat opisyal at empleyado ng Senado bilang institusyon.

About The Author