dzme1530.ph

Veteran writer-director, comic strip creator Carlo J. Caparas, pumanaw na

Veteran writer-director at comic strip creator na si Carlo J. Caparas, pumanaw na sa edad na 80.

Sa isang social media post, kinumpirma ni Peach Caparas ang pagpanaw ng kanyang Ama.

Nag-alay naman ito ng isang tula na pinamagatang “Sa Bawat Tipa ng Makinilya,” bilang tribute sa kanyang Ama.

“Sa kanyang taglay na brilyo mga obra maestrang nobela kaniyang nabuo,” saad ni Peach.

Kilala si Carlo J. Caparas sa kanyang mga likhang Pinoy superhero kabilang ang Panday, Pieta, Elias Paniki, Bakekang, Totoy Bato at iba pa.

Nakatakdang isagawa ang kanyang burol sa Haven Memorial Chapels and Crematorium sa Taguig City simula sa Lunes, Mayo 27.

About The Author