Muling itinalaga ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. si Hans Leo Cacdac bilang ad interim secretary ng Department of Migrant Workers (DMW).
Ito ay makaraang ma-defer ang confirmation ni Cacdac sa Commission on Appointments.
Sinabi naman ng Malacañang na nananatili ang tiwala at kumpiyansa ng pangulo kay Cacdac.
Mababatid na si Cacdac ay itinalagang officer-in-charge ng DMW noong Agosto 2023, makaraang pumanaw si former DMW Sec. Susan “Toots” Ople.