dzme1530.ph

Presyo ng ilang gulay sa Marikina Public Market, tumaas

Nadagdagan ng lima hanggang sampung piso ang presyo ng kada kilo ng gulay sa Marikina Public Market.

Umaabot na sa P250 ang kada kilo ng bell peppper, P90 ang kada kilo ng patatas at sibuyas, P100 ang kada kilo ng carrots at bawang, P180 ang per kilo ng luya, habang wala namang naging paggalaw sa presyo ng kamatis na nanatili sa P70 kada kilo.

Wala namang naging pagbabago sa presyo ng manok na nasa P180 kada kilo, at baka na nasa P420 naman kada kilo.

Samantala, wala namang dagdag presyo sa mga isdang galunggong, bangus at tilapia sa nasabing pamilihan.

About The Author