dzme1530.ph

Sen. Villanueva, pinag-aaralang lumipat sa Senate Minority Bloc

Inihayag ni Sen. Joel Villanueva na isa sa ikinukunsidera niya ngayon ay ang paglipat sa minority bloc matapos ang pagpapalit ng liderato ng Senado.

Kinumpirma ni Villanueva na nagkausap na rin naman sila ni Senate Minority Leader Koko Pimentel tungkol sa usapin.

Nang tanungin kung posible pa siyang maging Senate Minority Leader, iginiit nitong everything is possible.

Sa kabilang dako ay pinag-aaralan din aniya nila ang alok ng bagong liderato na chairmanship sa mga komite.

Sa hiwalay namang panayam, sinabi ni Sen. Juan Miguel Zubiri na pinag-aaralan din nilang maging independent bloc na hindi kasama ng majority at minority bloc.

Tatawagin aniya ang kanilang grupo na Magic 7 na bukod sa kanila ni Villanueva ay kabibilangan din nina Senators Loren Legarda, Sherwin Gatchalian, JV Ejercito, Sonny Angara at Nancy Binay.

 

About The Author