dzme1530.ph

Sen. Juan Miguel Zubiri, heartbroken sa kanyang liderato

Aminado ang nagbitiw na Senate President na si Sen. Juan Miguel “Migz” Zubiri na heartbroken siya sa nangyari sa kanyang liderato.

Sinabi ni Zubiri na hindi naman siya naging kalaban ng administrasyon subalit aminadong ang hindi niya pagsunod sa mga instructions ang naging dahilan ng tuluyang pagpapalit sa kanya bilang lider ng Senado.

Nangako naman ang senador na magpapatuloy sa pagsuporta sa independence ng Senado kasabay ng kanyang pasasalamat sa mga sumuporta sa kanya.

Malaking karangalan anya sa kanya ang paglilingkod sa taumbayan bilang Senate President.

Aminado si Zubiri na nakalulungkto na ginawa niya ang lahat upang protektahan ang independence ng Senado subalit iba talaga ang galawan sa pulitika kaya’t wala silang magagawa.

Taas noo pa rin anya siyang magsisilbi bilang senador ng bayan.

Samantala nagresign na rin sina Senador Joel Villanueva bilang Senate Majority Leader; Senador JV  Ejercito bilang Senate Deputy Majority Leader at si Senador Sonny Angara bilang chairman ng Senate Committee on Finance at Senate Committee on Youth.

About The Author