dzme1530.ph

Pagre-review sa EDSA Busway Proposal, malapit nang makumpleto

Malapit nang makumpleto ng Megawide Construction Corp. ang evaluation sa unsolicited proposal para sa EDSA Busway System Project, ayon sa Public-Private Partnership (PPP) Center.

Sinabi ni Jeffrey Manalo, deputy executive director sa PPP Center, na sila ang tail end ng review process, at kailangang magpasya ng Department of Transportation (DOTr) kung magpapatuloy ang proyekto sa susunod na stage o ibabalik ang proposal.

Umaasa ang DOTr na makukumpleto ang feasibility study para sa EDSA Busway System ngayong taon.

Una nang inihayag ng ahensya na isusunod ang Busway project sa kaparehong proseso ng pagsasapribado ng Ninoy Aquino International Airport.

About The Author