Sumuko sa National Bureau of Investigation si Ferdinand Guerrero, co-accused ni Cedric Lee sa Illegal Detention Case na isinampa ng TV Host-actor na si Vhong Navarro.
Ayon sa NBI, nagpaabot ng kahandaang sumuko si Guerrero kay NBI Director Medardo de Lemos matapos maglabas ang Taguig City Regional Trial Court ng warrant of arrest laban sa kaniya.
Agad bumuo si de Lemos ng team na nagtungo sa Buendia Ave. sa Makati City para sunduin ang akusado.
Una nang sumuko si Lee sa NBI, sa mismong araw nang patawan ito ng korte ng guilty verdict sa kasong Serious Illegal Detention.