dzme1530.ph

Mga kolorum na jeep, sisimulan nang hulihin ngayong Huwebes

Huhulihin na simula ngayong Huwebes, May 16 ang mga jeepney driver at operator na hindi nagpa-consolidate ng kanilang sasakyan sa mga kooperatiba.

Sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman, Atty. Teofilo Guadiz III, na maituturing na iligal at kolorum ang mga jeepney na hindi pina-consolidate bilang bahagi ng PUV Modernization Program ng pamahalaan.

Aniya, maari na silang manghuli simula ngayong araw dahil tapos na ang April 30 deadline, pati  na ang dalawang linggong palugit sa mga tsuper at operator.

Nagbabala rin si Guadiz na ang mga unconsolidated jeepney drivers na mahuhuling pumapasada pa rin ay maaring maharap sa isang taong suspensyon habang ang sasakyan ay posibleng patawan ng P50,000 na penalty at ma-impound ng tatlumpung araw.

About The Author