dzme1530.ph

Philippine Agriculturist Month tuwing Hulyo, idineklara ni PBBM

Idineklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang buwan ng Hulyo kada taon bilang Philippine Agriculturist Month.

Sa Proclamation no. 544, binigyang diin ang kahalagahan ng agrikultura sa pagtitiyak ng food security, pangangalaga ng kapalagiran, at pagba-balanse ng urban at rural development.

Kinikilala rin ang kontribusyon ng mga Agriculturist sa pagpapalakas ng agricultural productivity at competitiveness.

Kaugnay dito, sa ilalim ng Agriculturist month ay magkakaroon ng engagement ang professional agriculturist sa Agriculture advocacy, Policy research, at Enterprise building, Communications training, at Community development.

Inatasan ang Department of Agriculture (DA) at Board of Agriculture ng Professional Regulation Commission na pangunahan ang paggunita ng Agriculturist month at tukuyin ang mga programa, aktibidad, at proyekto para sa selebrasyon.

About The Author