dzme1530.ph

Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, posibleng maharap sa kasong Perjury

Inamin ni Comelec Chairman George Garcia na posibleng sampahan ng kasong perjury si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kung mapapatunayang nagsinungaling ito sa pag-deklara sa kanyang sarili bilang isang Pilipino.

Sa panayam sa Senado, sinabi Garcia na ang mandato lang ng poll body ay hingin ang requirements ng mga nais kumandidato sa public office gaya ng certificate of candidacy, kung saan nila dinedeklara ang kanilang pagiging Pilipino.

Sinabi ng opisyal na ministerial lang ang mandato ng Comelec na tanggapin ang kandidatura ng mga gustong tumakbo maliban na lang kung may maghahain ng disqualification case.

Idinagdag ni Garcia na ipinapalagay na lamang nilang tama ang deklarasyon ng mga kandidato dahil sinumpaan nila ang kanilang mga dokumento.

Nakukuwestyon ngayon ang pagkapanalo ni Mayor Guo sa eleksyon dahil sa hinalang hindi ito tunay na Pilipino.

About The Author