dzme1530.ph

39 Newly-promoted AFP Generals at Flag officers, nanumpa kay PBBM

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panunumpa sa tungkulin ng tatlumpu’t siyam na newly-promoted Generals at Flag officers ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Lunes, Mayo 13.

Kabilang sa mga nag-oath taking ay sina Lieutenant General Steve Crespillo, Major General Arvin Lagamon, Major General Edmundo Peralta, Former Presidential Security Group Commander Major General Ramon Zagala, at si current Presidential Security Group (PCG) Commander Major General Jesus Nelson Morales.

Sa kanyang talumpati, ipinaalala ng Pangulo sa mga opisyal na ang mga bituin sa kanilang balikat ay hindi lamang kumakatawan sa kanilang mga ranggo kundi ang kaakibat nitong responsibilidad.

Kaugnay dito, umaasa ang Commander-In-Chief na ang iginawad sa kanilang promotion ay magsisilbing inspirasyon sa pagtupad sa kanilang tungkulin nang may dedikasyon, propesyunalismo, at integridad sa gitna ng malawak na mga hamon sa seguridad na kinahaharap ng bansa.

About The Author