dzme1530.ph

PCO, PIA, at OPAPRU, magsasanib-pwersa para sa peace agenda ng Pangulo

Magsasanib-pwersa ang Presidential Communications Office (PCO), Philippine Information Agency (PIA) at Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) para sa pagsusulong ng peace agenda ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay PCO Assistant Secretary Michel André del Rosario, mahalaga ang pagtutulungan ng tatlong ahensya upang maipalaganap sa mga Pilipino ang peace initiatives ng gobyerno patungo sa isang “Bagong Pilipinas”.

Makikita rin umano ito sa mga pag-bisita kamakailan ng pangulo sa Mindanao.

Sinabi naman ni OPAPRU Undersecretary Wilben Mayor na determinado si Marcos na mawakasan ang lahat ng uri ng internal armed conflicts sa kanyang termino.

About The Author