dzme1530.ph

Northbound Lane ng C-6, isasara ngayong hapon hanggang bukas

Sarado simula ngayong alas kwatro ng hapon hanggang bukas ng alas dose ng madaling araw ang Northbound Lane ng C-6 para bigyang daan ang Music Festival kaugnay ng 437th Founding Anniversary ng Taguig city.

Sa Facebook post, inanunsyo ng Taguig City government na ang Southbound lane ng C-6 patungong Hagonoy ay magiging two-way road sa mga oras na sarado ang Northbound Lane.

Bunsod nito, inabisuhan ng lokal na pamahalaan ang publiko na gumamit ng mga alternatibong ruta at maglaan ng ekstrang oras para sa kanilang biyahe.

Gaganapin ang Music Festival sa Lakeshore, TLC Concert grounds, Lower Bicutan sa Taguig.

About The Author