dzme1530.ph

Inangkat na karne, tumaas ng 3% sa unang quarter ng 2024

Lumobo ng 3.06% ang meat imports sa unang quarter ng taon.

Ayon sa Bureau of Animal Industry (BAI), umabot sa 273.64 million kilograms ang inangkat na karne simula Enero hanggang Marso ng 2024.

Kumpara ito sa 265.52 million kilos na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Ang Pork imports na kumatawan sa 46.96% ng kabuuang inangkat na karne ay umabot sa 128.51 million kilos o mas mataas ng 11.92%.

Ang Spain ang primary source para sa karneng baboy na umabot sa 33.77 million kilos, sumunod ang brazil (31.89 million kilos) at canada (18.38 million kilos).

About The Author