dzme1530.ph

Jio Jalalon ng Magnolia, absent sa laro dahil sa knee injury

Hindi makapaglalaro si Jio Jalalon sa mahalagang game ng Magnolia laban sa San miguel, mamayang gabi bunsod ng knee injury.

Inilagay ng Hotshots si Jalalon sa kanilang Injured/Reserved list bago ang face-off sa Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup laban sa Beermen.

Ito ang unang paghaharap ng dalawang sister teams simula ng manalo ang smb laban sa timplados sa Commissioner’s cup finals showdown.

Ayon kay magnolia Coach Chito Victolero, ilang beses nang pinahirapan ng naturang injury si Jalalon sa mga nakalipas nilang laro kaya kailangan muna nitong magpahinga at magpalakas.

About The Author